- 1 week ago
#14
Babala sa Lahat ng Treasure Hunters – Mga Karaniwang Modus ng mga Manloloko sa Bentahan ng Ginto
Maraming grupo ng manloloko ang gumagalaw ngayon at may iba’t ibang style o modus operandi. Narito ang ilan sa pinaka-karaniwang ginagamit nila:
1) Holdap / Robbery
Karaniwang ginagawa sa hotel room at may dalang baril. Ayaw nilang makipagtransaksyon sa loob ng bangko at may mga palusot tulad ng:
“Baka makumpiska ang ginto sa bangko.” – Kalokohan ito! Kung ayaw nilang sa bangko gawin ang transaksyon, malamang may masama silang balak.
“Gusto namin sa neutral at safe na lugar.” – Madalas hotel ito na ikaw pa ang papa-bookin. Pero ang totoo, pinipili nila ang hotel na mahina ang seguridad para makapasok sila ng baril at maholdap ka!
Halimbawa: LEGEND HOTEL sa Mandaluyong – ginagamit umano ng sindikato sa ganitong modus.
2) Switching Scheme
Sa una, ipapakita nila ang totoong ginto. Pero sa aktwal na transaksyon, palihim nilang pinapalitan ito ng pekeng ginto. Kaya akala mo totoo ang binayaran mo, pero peke na pala ang napunta sa’yo.
3) Bank Manipulation
May mga sindikato na may kasabwat pa raw sa loob ng bangko. May mga kaso na milyon-milyon ang naloko dahil dito. (Basahin ang Scam #6 para sa detalye.)
4) Cash Advance Scheme
Hihingi sila ng pera sa’yo bago ka pa makakita ng ginto. Mga palusot nila:
“Kailangan namin ng pamasahe papunta sa probinsya para kunin ang ginto.”
“Kailangan naming bigyan ng advance ang may hawak ng ginto bago niya bitbitin.”
Huwag maniwala! Kung totoo talaga ang ginto nila, dapat kaya nilang ibenta kahit isang piraso sa alahera para makakuha ng mobilization funds.
5) Kidnapping Scheme
Ito ang pinaka-delikado. Target nila ay mayayamang Chinese-Filipino businessmen na bumibili ng ginto. Kapag nakakuha na sila ng impormasyon tungkol sa buyer, plano na agad ang pagdukot.