Page 1 of 1

DIY Dowsing Rod para sa Treasure Hunting? Posible bang Makahukay ng Ginto? 💰

Posted: Tue Jul 08, 2025 4:16 pm
by thphadm
Marami sa atin ang nangangarap na makahanap ng kayamanang nakabaon—at isa sa mga pinakamatagal nang ginagamit na kasangkapan sa paghahanap ay ang dowsing rod o tinatawag ding “divining rod”.

📌 Ano ang Dowsing Rod?
Isang simpleng tool na karaniwang gawa sa copper wire o matigas na bakal na hinuhubog na parang letrang “L”. Ginagamit ito sa paniwalang maaari nitong matukoy ang lokasyon ng tubig, mineral, o kahit ginto—base sa galaw ng rods habang naglalakad ka.

🔧 Paano Gawin (DIY Version)?
Pwede kang gumawa gamit ang:
  1. 2 pirasong copper wire (12–14 inches bawat isa)
  2. Lagyan ng hawakan (PVC pipe o ballpen casing)
  3. Hubugin ito sa L-shape
  4. Hawakan nang magaan, huwag masyadong mahigpit
📍 Gumagana Ba Ito?
✅ Paniniwala vs Siyensya

May mga treasure hunters at matatanda sa probinsya na naniniwala na ito’y gumagana—lalo na kung may “gift” ka raw o natural na abilidad. Pero ayon sa agham, walang sapat na ebidensyang nagpapatunay na ito ay epektibo.

Marami na ang sumubok. May iba raw, napapagalaw ang rods na parang hinihila ng kung anong enerhiya sa lupa. May mga lolo’t lola sa probinsya na naniniwala—ito raw ay “gabayan ng ispiritu” o gift mula sa kalikasan o mga latin na dasal.

❗ May Tsansang Makahukay ng Ginto?
➡️ Kung may itinatagong lihim ang lupa… BAKA OO.
Pero kung basta-basta lang, baka kahon ng basura ang mahukay mo.

Pero hindi dahil sa dowsing rod lang. Kadalasan, kailangan pa rin ng:
  1. Historical research
  2. Scanning equipment (tulad ng metal detectors o ground radar)
  3. Proper permits para hindi ka mapasubo sa legal na problema
⚠️ Paalala: Huwag basta maghukay lalo na sa pampublikong lupa o walang pahintulot. Baka imbes kayamanan, abala ang mahanap mo.